Magnanakaw, kinawali ng pinagnanakawan

Paano mo ipagtatanggol ang pamamahay mo, Kabrigada?

Patok ngayon sa social media ang security footage mula sa bahay ni Jason Williams ng Logan Square, Chicago kung saan makikitang hinahabol niya hawak ang kaniyang trusty kawali ang lalaking nagtatangkang pumasok sa kaniyang bahay.

Pauwi na galing sa trabaho si Jason nang makatanggap siya ng notification sa kanyang phone app na mayroon umanong lalaking nagtatangkang magnakaw sa bahay niya kaya agad siyang umuwi para itaboy ang may masamang pakay.

Nang makarating siya sa kaniyang bahay ay minadali niyang kumuha ng armas na magagamit panlaban sa magnanakaw na ito na hindi naman lubos akalain ng kawatan na kawali pala mula sa kusina ang mararamdaman niyang tatama sa kaniya.

Walang ibang nagawa ang lalaki kundi tumakbo palayo kay Jason at ang hawak niyang weapon of destruction. ### Nico Merciales, Intern

Photos from Jason Williams