Pulis, arestado sa buy bust operation; humigit kumulang 2 grams ng shabu, nakumpiska

Arestado ang isang pulis at isa pang lalaki matapos ang isinagawang  drug buy bust operation ng pinagsanib puwersa ng Santiago City Police Office o SCPO at PDEA Region 2 sa Brgy. Calaocan, Santiago City.

Kinilala ang mga nadakip na sina PMSgt. Roel Gacutan, 38-anyos, may asawa na residente ng Brgy. 2, Jones, Isabela at Jaime Grijalvo, 37-anyos, aluminum glass installer na residente naman ng Masaya Centro, San Agustin, Isabela.

Napag-alaman na kabilang si PMSgt. Gacutan sa High Value Target na binabantayan ng PDEA Region 2.

Nakumpiska sa pag-iingat ng dalawang suspek ang 2 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang nahumigit kumulang 2 gramo at nagkakahalaga ng Php13, 600.

Nakumpiska rin ang isang unit ng cal. 9mm na baril, 2 pcs magazine na mayroong live ammunitions, assorted drug paraphernalia, isang sasakyan at perang nagkakahalaga ng 58,000 pesos.

Sa ating naging panayam kay PMaj Fernando Mallillin ang hepe ng Cordon Police station, ang suspek na si PMSgt Gacutan ay halos isang buwan pa lamang na naitalaga sa kanilang himpilan bilang Field Training Officer o naghahawak ng mga Police Recruit.

Aniya, bago ang pagkakahuli ni PMSgt. Gacutan nakausap pa niya ito dahil mayroon na silang natatanggap na delinquency report na hindi na nagpapakita o nagrereport ito sa kaniyang trabaho at malimit makita sa kanilang istasyon.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Dagdag pa niya, mayroon nang mga ispekulasyon na mayroong elicit activities ang nasabing pulis kaya’t minanmanan na ang kaniyang kilos hanggang sa makumpirma at nahuli kahapon.

Nakausap din aniya ni PMAJ Mallillin ang suspek nang mahuli ito at aniya mariin nitong itinatanggi ang pagkakadawit sa pagbebenta ng illegal na droga.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Santiago City Police Office 2 sina  PMsgt. Gacutan at Grivaljo  para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA  9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.

Arestado ang isang pulis at isa pang lalaki matapos ang isinagawang  drug buy bust operation ng pinagsanib puwersa ng Santiago City Police Office o SCPO at PDEA Region 2 sa Brgy. Calaocan, Santiago City.

Kinilala ang mga nadakip na sina PMSgt. Roel Gacutan, 38-anyos, may asawa na residente ng Brgy. 2, Jones, Isabela at Jaime Grijalvo, 37-anyos, aluminum glass installer na residente naman ng Masaya Centro, San Agustin, Isabela.

Napag-alaman na kabilang si PMSgt. Gacutan sa High Value Target na binabantayan ng PDEA Region 2.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business