Pribadong kolehiyo sa Sorsogon, nag-invest sa IT system ngayong school year

SORSOGON CITY – Pag-invest sa makabagong teknolohiya.

 Ito ang nakitang paraan ng isang pribadong kolehiyo sa lalawigan ng Sorsogon upang manatiling competitive pa rin sa kabila ng pagpapatuloy ng pandemic school year.

 Ayon kay The Lewis College Director Edwin Gonzaga, kinakailangan nilang mamuhunan sa IT system upang masiguro na matagumpay nilang maipapaabot sa kanilang mga mag-aaral ang mga dapat ng mga itong matutunan. 

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Aniya napapanahon din umano ito dahil ang nasabing teknolohiya na ang halos ginagamit ng lahat maging sa bagong learning modality.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Kaugnay nito, naniniwala naman ang pamunuan ng nasabing kolehiyo na sapat na  online software, mga ekipahe at karunungan ng mga guro sa paggamit nito  ang dapat gawing prayoridad ng mga eskwelahan lalo na at wala pang katiyakan kung kailan maibabalik ang face to face classes.