6×6 truck, bumaliktad sa Reina Mercedes, Isabela; 2 sugatan

Sugatan ang dalawang pahinante nang bumaliktad ang 6×6 truck sa bahagi ng Puzer Bridge, Brgy. Nappacu Grande, Reina Mercedes, Isabela.

Sa pakikipag-ugnayan ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa imbestigador ng PNP Reina Mercedes, galing sa bayan ng Aurora ang truck na may kargang saku-sakong mais na tinatayang nasa 1000 tons at patungo sana sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan umano ng preno ang truck na dahilan upang mawalan ng kontrol ang tsuper sa manibela at tumama sa nakatambak na graba na daanan naman sa kabilang linya ng daan.

Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless

Dahil dito ay bumaliktad ang truck kung saan nagtamo ng bahagyang gasgas sa paa ang dalawang pahinante na pawang mga residente ng San Mariano Isabela habang wala namang tinamong sugat ang tsuper.

Agad namang rumespunde ang kapulisan at DPWH upang tulungang maisaayos ang truck maging ang laman nito.

Read More:  Lava creep and tremor surge mark intensifying unrest at Mayon

Nagdulot naman ito ng mabigat na daloy ng trapiko habang tumagal naman ng 30 minuto bago naisaayos ang natumbang sasakyan.

Tumanggi naman na umanong magpadala sa pagamutan ang mga nasugatan at piniling tumuloy na lamang sa kanilang destinasyon.

Nagpaalala naman ang kapulisan sa mga nagmamaneho na suriin muna ang kanilang mga behikulo bago bumiyahe upang maiwasan ang ganitong aksidente.