Pulis Albay patay, sibilyan sugatan sa pamamaril sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy pa hanggang sa ngayon ang imbestigasyon ng Daraga Municipal Police Station matapos pagbabarilin ang isang Police sa Guinobatan  habang nasugatan ang isang civillian sa Purok 3, Brgy. Peñafrancia, Daraga, Albay.

Kinilala ang mga biktima na sina PSSg Allan Marbella Madelar, 49 anyos, residente ng Purok 6, Villa San Jose Subdivision, Brgy. Bagumbayan ng nasabing bayan at si Gabriel Llaguno y Jacob, 20 anyos residente ng nasabing barangay.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon PLt Armando Revale, Police Community Relation Officer ng Daraga mps, galing ang biktima sa isang debut ng kanyang pamangkin na si Alisa Mae Nosares Bongkay ng ito ay naglalakad patungo sa kanyang sasakyan upang umuwi na sa kanilang tahanan ng lapitan ito ng dalawang di kilalang mga suspek sakay ng isang motorsiklo ay bigla na lang pinagbabaril ang biktima sa lugar.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa di malamang direksyon.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nagtamo ng maraming tama ang biktima sa ibat ibang katawan na naginv dahilan ng kanyang agarang kamatayan habang tinamaan din kaliwang kamay si Gabriel.

Narecover sa insedente ang Pitong (7) fired cartridges na di pa madeterminang baril, isang  (1) deformed bullet at marami pang iba.

Sinabi pa ng opisyal, hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang motibong pamamaril sa biktima dahil dito malaliman ngayon ang isinasagawang imbestigasyon sa insedente.