Publiko, walang dapat ikabahala sa BA.2.75 subvariant

Tiniyak ng infectious diseases expert na walang dapat ikabahala ang publiko sa BA.2.75 subvariant ng Omicron.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang karagdagang 104 kaso ng Omicron subvariant sa Pilipinas kasama na ang 2 kaso ng Omicron subvariant BA.2.75 o ‘Centaurus’ noong Biyernes.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Dr. Edsel Salvaña na inaasahan na nila ang pag pagpasok ng nasabing subvariant dahil likas naman talaga ang pagkalat ng COVID-19.

Dagdag niya, hindi pa naman ikinokonsiderang ‘variant of concern’ ang nasabing subvariant lalo na’t mabisa pa naman daw ang mga bakuna laban dito.

Kaugnay nito, patuloy ang paalala ni Salvaña sa publiko na panatilihin ang pagsusuot ng facemask, ugaliin ang paghuhugas ng kamay, at agad mag-isolate oras na makaramdam ng anumang sintomas ng COVID-19.
#