VP Duterte, iginiit ang kahalagahan ng kabataan

Umapela si Vice President Sara Duterte sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nation na magkaisa para makamit ang pangunaying layunin nito para sa kabutiran ng kanilang mga mamamayan.

Sa pagdalo ni Duterte sa ika-55 anibersaryo ng ASEAN, nakiusap si Duterte sa mga lider at miyembro ng samahan na isantabi ang pagkakaiba at magkaisa.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Aniya, bagamat mayroong sari-sariling mga kalakasan ang bawat miyembro nito, pati na rin ang sariling wika, paniniwala, kulura, at tradisyon – naniniwala siyang ‘uniqueness’ itong maituturing at hindi kahinaan para magkawatak-watak.

Samantala, nanawagan din ito sa mga kapwa ASEAN members na pagtuunan ng pansin ang kakayahan ng mga kabataan.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ipinunto ni Duterte na sa buong mundo, ASEAN youth ang ikatlo sa mayroong pinakamaraming bilang.

Dapat umano ay pahalagahan ang mga maiaambag ng kabataan sa lipunan kaya naman dapat ay mag-invest ang ASEAN para sa kinabukasan ng mga ito.
#