BA.5 subvariant ng Omicron, nananatiling pre-dominant subvariant sa bansa

Nananatili na ang BA.5 subvariant ng Omicron ang pre-dominant subvariant ng covid-19 sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Cynthia Saloma, ang Executive Director ng Philippine Genome Center (PGC) sa Laging Handa Public Briefing.

Ayon kay Dr. Saloma, bagama’t may mga bagong nagsisilabasan at naitatalang kaso ng iba pang subvariant ng Omicron, ang BA.5 pa rin ang pinakamarami sa nase-sequence nila sa PCG.

Kinumpirma rin niya na ang nararanasang pagtaas ng kaso ng covid-19 sa bansa ay dahil sa BA.5.

Samantala, inihayag naman ni Saloma na wala pa silang bagong naitatalang kaso ng BA.2.75 ng Omicron, ito ay matapos maitala ng Department of Health ang unang dalawang kaso nito noong Biyernes.
#