Publiko, pinaalalahan ni Mayor Lechonsito laban sa scammers

KORONADAL CITY – NAGPAALALA ngayon si Tacurong City Mayor Joseph George Lechonsito sa publiko lalo na sa kaniyang mga constituents kaugnay sa pagkalat ng mga scammers na gumagamit ng kaniyang pangalan.

Panawagan ng opisyal sa publiko lalo na sa mga vendors o negosyo na i-verify muna at iwasan na agad maniwala sa ano mang uri ng mga tawag na kanilang matanggap. Una nito, ginagamit umano ang kaniyang pangalan kasama ang iba pang mga opisyal ng lungsod upang mag-solicit o humingi ng kwarta. Hiling din nito na makipag-ugnayan sa Office of the City Mayor kung mayroong nagsasagawa ng gaya nitong gawain upang agad na mabigyan ng agarang aksyon. Samantala, maging vigilante at hindi agad magpadala-dala sa mga scammers.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting
Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence