Publiko, hati ang reaksyon sa isinagawang road clearing operations sa paligid ng Naga City People’s Mall

NAGA CITY – Magkahalong komento ang inilabas ng publiko sa isinagawang road clearing operation sa paligid ng Naga City Peoples Mall kahapon na kung saan nagresulta sa pagpapaalis ng mga sidewalk vendors na nagtitinda ng mga sari-sari tulad ng mga prutas at mga accessories.

Ayon sa mga komento,kawawa naman ang mga naapektuhang nagtitinda dahil naghahanp-buhay naman ang mga ito,may komento namang may ordinansa na dapat ipatupad ang mga otoridad,may pabor naman dahil sa biglang naging malinis ang paligid ng merkado publiko.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Una na ring inihayag sa media at sa Brigada News Fm Naga ni City Administrator Elmer Baldemoro na patuloy ang pagkakaroon ng pagbabago sa NCPM dahil naka-programa na ito ngayong taong 2024,kabilang na ang hindi pagpadagdag ng renta sa mga stall holders,kaya walang dahilan para mag illegal sidewalks vending ang ito.     

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sa pangkalahatan,may pabor at may kontra sa hakbang na ito ng Market Enterprise and Promotions Office na mapaalis ang ilang unauthorized vendors sa paligid ng Naga CIty People’s Mall na ang pinakalayunin bukod sa kalinisan ay mapalawak pa ang lugar sa paligid.