Mahinang busina ng tren Legazpi- Naga , inirereklamo sa sa Naga City; babaeng nahagip nagpapagaling pa

NAGA CITY- Nagpapagaling pa sa ospital ang babaeng nahagip ng tren sa Concepcion Pequeña, Naga City matapos na iligtas nito ang alagang aso.

Sa pahayag ng mga residente sa tabi ng riles, matagal na nilang naoobserbahan na mahina ang busina ng tren mula sa Legazpi  City , Albay patungo sa Naga City.  Ayon kay Jemalyn Abaro, isa sa nasa “home along the riles” , batid nila kung anong oras daraan ng tren pero minsan nag mimintis ang minuto nito kaya mas mabuti aniya kung malayo pa lang malakas ang busina at hindi paisa-isa. Nakumpara ni Abaro ang tren na mula sa Naga City patungo sa Legazpi na malakas at sunod-sunod ang busina.  

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system
Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Alam nina Abaro na anumang oras puwede silang paalisin sa lugar pero sa ngayon wala naman silang malilipatan. Kaya habang naroroon sila sana aniya ay mapagbigyan din ang hiling upang makapag-ingat lalo.

Ang pakiusap ng mga residente ay ipinaabot na ng BNFM Naga sa pamunuan ng Philippine National Railways at nangakong iaankyat din ito sa operations office.