LEGAZPI-Kasado na ang isasagawang public hearing ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol katuwang ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB para sa pagtaas ng minimum wage sa rehiyon.
Ayon kay DOLE Bicol Regional Director Ma. Zenaida Angara-Campita, pinaliwanag nito na nagkaroon na sila ng board meeting para sa pending wage increase sa rehiyon bago paman ang pagpasok ng pandemya.
Hindi na umano kailangan ng konsultasyon tungkol dito at public hearing na dahil pinag-usapan na ito dati pa.
Isasagawa naman ito sa Abril 26 sa Naga at sa darating na Abril 28 para sa albay.
Samantalang mayroon na rin umanong petisyon na inihain para malaman kung ilan nga ba ang karagadang emento sa rehiyon.