Bilang ng paaralan sa Albay na napayagan sa limited face-to-face classes, patuloy na nadadagdagan

LEGAZPI CITY – Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga paaralan na kasalukuyang nagsasagawa ng limited face to face classes sa School’s Division ng Albay kung saan umabot na ito sa 13.

Ayon kay Alvin Cuz, Project Development Officer 2 Incharge in Department of Risk Reduction Management Schools Division Office ng Albay, kasunod ng 4 na ekswelahang pinayagang magsagawa ng face to face classes.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Nadagdagan pa ito ng 9, kabilang rito ang Namanday, Hindi, at Misibis Elementary School ng Bacacay, San Agustin Elementary School ng Libon, Calaguimit Elementary School ng Oas, Virgin of Carmel Highschool of Tiwi, Inc, Polangui Adventist Elementary School, at St. Peter’s Academy of Polangui, San Lorenzo Academy ng Pioduran.

Dagdag pa nito, nasusunod ang lahat ng health protocols na nakasaad sa operational guidelines na ibinigay ng DEPED at DOH kung kaya’t maganda at ligtas ang pagbubukas ng mga nasabing paaralan.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Samantala, ang mga mag-aaral ng Pantao National Highschool sa bayan ng Libon ay magsisimula na rin umano ng klase sa susunod na linggo.

Samanatala, mahigit 4,000 estudyante na ang kasali sa limited face to face classes at maaari pa itong madadagdagan dahil sa kanilang walang tigil na onsite validation.