CAMARINES NORTE- Pinangunahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagsasagawa ng orientation and training sa mga opisyal ng Barangay kaugnay sa Community-Based Monitoring System (CBMS).
Ayon sa ahensiya natapos na ang orientation at training sa mga opisyal ng Barangay habang ang training naman sa enumerators ay gagawin sa huling linggo nitong buwan.
Noong nakaraang linggo ay ginawa ang orientation sa ilang opisyal ng barangay mula sa 5th class municipalities.
Ang 5th class municipalities sa lalawigan ay ang San Lorenzo Ruiz at San Vicente kung saan ang CBMS sa mga bayang ito ay funded ng PSA.
Habang sa LGU funded naman ay ang Daet lang ang mayroong CBMS.
Dati nang inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na malaking tulong ang CBMS sa mga lokal na Pamahalaan sa implementasyon ng Mandanas law.
Makakatulong ito sa mga LGU para sa nararapat na paglalaan ng pondo at pagamit ng mas malaking tax allotment para sa mas maayos na plano at pagpapatupad ng mga poverty alleviation and development program sa kanilang komunidad.
Layon nito na makakalap ng mga datos na ipapasok sa isang database na magsisilbing batayan ng mga programang ipapatupad at sa pamamagitan din nito ay malalaman ang totoong kalalagayan at pangangailangan ng mga mamayan.
