Healthcare utilization rate sa Camarines Norte para sa Covid- 19 nananatiling nasa low risk- DOH

CAMARINES NORTE- Nanatiling nasa low risk ang healthcare utilization rate sa lalawigan ng Camarines Norte para sa COVID- 19.

Batay ito sa datos ng Department of Health hanggang noong June 5, 2022 kung saan ang mino-monitor ay ang LGU managed and private hospitals.

Nakapagtala ang lalawigan ng 16. 7 % utilization rate for Covid habang wala namang naitalang paggamit ng ICY beds at mechanical  ventilator.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Kinumpirma naman nitong Lunes sa Brigada News FM Daet ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na mayroong isang pasyente sa Covid ward ng Camarines Norte Provincial Hospital pero nasa kategoryang suspect at hindi pa confirmed case.

Bakante rin sa ngayon ang ipinagawang expanded Covid ward sa harap ng CNPH dahil mahigit isang buwan nang walang naitatalang bagong kaso ng sakit.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Sa kabila nito, patuloy ang paalala ng DOH at ng PHO sa publiko na sundin pa rin ang health protocols kontra COVID- 19 kasama na ang pagpapabakuna upang protektado sa sakit.