PSA-Bicol, nagbabala sa mga namemeke ng Civil Registry Documents; Publiko, pinaalalahan din kaugnay sa pagpo-post sa social media ng mga impormasyon nakapaloob sa PhilID

BICOL – MULING nagpaalala ngayon ang Philippine Statistic Authority o PSA-Bicol sa publiko kaugnay sa tamang paggamit ng PhilID at pangangalaga sa mga impormasyong nakapaloob dito.

Ayon sa ahensya, ang mga impormasyong nakapaloob sa PhilID ay mga basic information lamang na base sa mga dapat kolektahin ng PSA alinsunod sa RA No. 11055 o ang Philippine Identification System Act.

Maliban pa rito, ang PhilID ay naglalaman din ng PhilSys Card Number o PCN na maaaring magamit sa mga pampubliko at pribadong transaksyon.

Gayunpaman, mahigpit na pinapaalalahan ang mga indibwal na magkakaroon nito na hanggat maaari ay panatilihin itong pribado at iwasan ang pagpapahiram ng walang pahintulot gayundin ang pagpo post nito sa social media at iba pang platforms sa internet.

Samantala, nagbabala rin ang PSA-Bicol kaugnay naman sa ilang mga indibidwal o grupo nna gumagamit ng pangalan ng ahensya sa kanilang mga hindi awtorisadong transaksyon.

Sa kanilang mismong facebook page tinukoy ang ilang sa mga bogus accounts na nag aalok ng serbisyo gaya ng pagproseso o pagpeke ng civil registry documents.

Sa ngayon ay patuloy na nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga awtoridad upang mapanagot ang mga nasa likod nito.

Mahigpit na paalala ng PSA, Ang pagpeke at paggamit ng pekeng opisyal na dokumento ay may karampatang parusa ayon sa batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *