PSA-Bicol, hinikayat ang publiko na magparehistro; civil registry records, dapat ding berepikahin

BICOL – MULING binigyang-diin ngayon ng Philippine Statistic Authority Bicol sa publiko  ang kahalagahan ng pagpaparehistro at pagbeberipika ng birth records sa local civil registrar.

Ayon mismo kay PSA-Bicol Regional Director Cynthi Perdiz, mahalaga ang civil registration dahil sa ganitong paraan magkakaroon ng identity o pagkakakilanlan ang isang indibidwal at sa ganitong paraan umano mae-establish ang civil status o mga karapatan at prebilehiyo bilang lehitimong mamamayan ng bansa.

Paliwanag pa ng opisyal, hindi lamang umano birth certificate ang inirerehistro kungdi maging angg death events o marriage solemnization at iba pagn legal instruments on court order.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Kinakailangan umano na mairehistro ang bagong sanggol sa loob ng 30 araw at nakasaad umano sa batas na obligasyon ito ng nagpa anak o attendant at birth or death o hindi kaya naman ng solemnizing officer kung sa kasal.

Kung sakali naman umanong mabigo na makapagrehistro kakaagad ay maaaring ang mga magulang, otorisadong indibidwal o hindi kaya ay mismong ang late registrant na hustong gulang na ang magpatala para sa kanyang sarili.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Samantala, sa kaso umano ng mga street children, mayroong mental disorder at iba pang people in need off special protection, obligasyon umano ng finder o nakahanap  na ipatala ito sa barangay at pulis saka ie-endorso sa DSWD upang magawan ng case study gayundin maisailalim sa verification saka maiparehisto sa kanilang ahensya upang pormal magkaroon ng lehitimong pagkakakilanlan.