BICOL – INIHAYAG ng Department of Education Bicol na hindi sila tutol sa pagpapatupad ng suspensyon ng klase at trabaho sa panahon ng emerhensya lalo kung para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mag aaral at kanilang mga personahe.
Ayon kay Mayflor Marie Jumamil, information officer ng Deped-Bicol, ang edukasyon umano ay isang ‘constitutional right’ at sa kahit na anong sitwasyon umano ay kailangan nilang gampanan ang kanilang tungkulin para sa mga learners.
Kapag umano nahinto ang daloy ng karunungan at wala ring uusad na mag aaral.
Kung kaya’t sa halip na mga terminong “academic health break” o “academic break,” mas pinili ng kagawaran na gamitin ang ‘academic ease’ para umano makapag laan ng panahon para repasuhin ang ilang sa mga polisiya na nakapaloob sa Basic Education Learning Continuity Plan ng Deped.
Sa panahong ito, mababawasan lamang ang academic workloads nang hindi tuluyang sinususpinde ang academic calendar.
Mababatid na nitong nakaraang buwan lamang ng mag isyu ng memorandum ang kagawaran na nagbibigay-diin sa mga polisiya sa academic ease at binibigyang laya ang mga DepEd regional offices at schools division offices na magpasya ukol sa pagsususpinde ng klase at iba pang teaching-related activities para matiyak ang health at well-being ng mga guro at mag aaral sa gitna nga ng muli na namang pagsipa ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.