LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol na may mga kakulanganan pa rin sa pagpapatupad ng road clearing dahil sa umano’y pagpapabaya ng mga ito ngayon panahon ng pandemya.
Ayon kay Uldarico Razal Jr, ang Assistant Regional Director (ARD) DILG Bicol, na hanggang sa ngayon ay may mga lungsod, bayan at barangay ang nakakalimot sa pagpapatupad ng road clearing.
Aniya karamihan sa mga mamamayan ay binabalewala na mga ito ang mga ipinatutupad na paglilinis ng lugar sa kalsada tulad na lamang na No Parking, pagtitinda sa kalsada at iba pa.
Dagdag pa nito, kulang rin sa disiplina ang ilan sa mga tao kung saan inaabuso at sinusuway ang oridinansa sa barangay at lokal na pamahalaan.
Sinabi ng opisyal, kailangan rin dito ang pagpapaalala at paghihigpit sa road clearing upang mapanatili ng mga ito ang kalinisan ng kalsada.