Chinese team, dismayado sa kababayan nito na nag-coach kay Hidilyn Diaz

Naging maingat ang weightlifting coach na si Gao Kaiwen sa pagpuri sa kaniyang prized ward na si Hidilyn Diaz na nagwagi ng gintong medalya sa weightlifting event ng Olympics nang siya ay makapanayam ng Chinese outlet na Xinhua News.

Sinabi ni Gao sa interview na hindi naging madali para sa isang babae na nagmula sa isang mahirap na pamilya sa Zamboanga City ang pagsali sa Olympics.

Ipinunto niya na kinailangan ni Diaz na sumabay sa kaniyang intense training sa kabila ng edad nito na 30-anyos.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Samantala, sinabi naman ni Gao, na dating nagsilbi bilang coach ng Chinese national women’s army team, na bagamat masaya ito sa nakamit na tagumpay ni Diaz ay ikinalulungkot pa rin niya na makita na silver medal lamang ang nasungkit ng kaniyang kababayan sa kompetisyon.

Una nang sinabi ni Diaz sa isang interview na dismayado ang Chinese team sa kaniyang coach, dahil hindi ito nag-abiso sa kanila kaugnay sa hangganan ng kaniyang kalakasan.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Binigyang diin ni Hidilyn na hindi ito ginawa ng kaniyang Chinese coach dahil tutok ito sa kaniyang trabaho na palakasin siya.

Nauunawaan rin ni Hidilyn na posibleng may magkahalong emosyon sa kompetisyon lalo na kung ikokonsidera na may international issue sa pagitan ng Pilipinas at China, partikular na sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.