Pilipinas, kailangan ng mga bagong lider – Duterte

Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na magreretiro siya mula sa politika upang pagbigyan ang mga bagong lider ng bansa.

Sinabi ito ng Pangulo matapos niyang ideklara noong Sabado na hindi na tuloy ang kaniyang vice presidential bid para sa 2022 elections.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Inihayag ng Pangulo na pinag-isipan niya ito ng mabuti matapos niyang makita ang sentimyento ng mga tao sa mga survey, forums, caucuses at meetings.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Iginiit niya na panahon na para sa mga makabagong lider na inaasahan niyang magtutuloy sa mga reporma, proyekto at programa na isinulong ng kasalukuyang administrasyon nitong mga nakalipas na taon.