LGUs, hinimok ng Pangulo na magpatupad ng age restrictions sa mga malls

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lokal na opisyal ng gobyerno na magpatupad ng mga restriksyon sa mga pampublikong lugar para sa mga menor-de-edad na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Ayon sa Pangulo, hindi na dapat ipinapasyal ng mga magulang ang mga bata sa mga malls at iba pang mga pampublikong lugar.

Nakiusap ang Punong Ehekutibo sa mga magulang na huwag nang i-expose ang mga anak nito sa virus, lalo na at wala pa silang pangdipensa para rito.

Mababatid na reaksyon ito ng Pangulo sa isang ulat na nagpositibo sa COVID-19 ang isang 2-taong gulang na bata na dumayo sa isang mall.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *