PRRD, nagbantang kakasuhan si dating Foreign secretary Albert del Rosario

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kakasuhan nito sa dating Foreign secretary Albert del Rosario dahil sa pagsuko nito umano sa kontrol ng bansa sa Scarborough Shoal sa China sa ilalim ng termino nito.

Inihayag ito ng Pangulo sa kaniyang Cabinet briefing bilang reaksyon sa sinabi ni Del Rosario na nakakuha ang Punong Ehekutibo ng tulong mula sa mga dayuhan para manalo sa eleksyon noong 2016.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Sinabi ng Pangulo kung nasa giyera lamang ang Pilipinas, ay maituturing nang guilty sa treason ang dating kalihim.

Ipinunto ng Punong Ehekutibo na sa loob ng kaniyang 23 taon sa pulitika ay wala pa siyang nakakasuhan na tao, ngunit ngayon, ay posibleng habulin niya si Del Rosario.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Kinwestyon rin ng Pangulo ang nationality ni Del Rosario.

Ipinunto ng Pangulo na kung pagbabasehan ang itsura ng dating kalihim ay hindi ito mukhang Pilipino.

Matatandaan na sinabi ni Del Rosario na meron “most reliable international entity” ang nagsabi sa kaniya na ipinagmamalaki ng senior Chinese officials na nagawa nilang maimpluwensyahan ang 2016 elections sa Pilipinas upang gawing presidente si Duterte.