Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na inimbitahan siya ni United States President Joe Biden na dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) leaders summit sa katapusan ng Marso.

Ayon kay Duterte, si Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez ang nagbigay sa kanyang ng invitation letter ni Biden para sa ASEAN leaders sa Washington sa March 28.
Una nang inanunsyo ni Foreign Secretary Teodoro Locsin na ang suporta ng Pilipinas para sa Washington ay pagbibigyan ng strategic partner status ng ASEAN.
Batay sa ulat, inimbitahan ni Biden ang lahat ng ASEAN leaders, kabilang na si Duterte, para sa proposed summit, maliban sa kay Min Aung Hlaing ngk Myanmar.