NAGA CITY- Dalawang araw nang zero COVID-case ang Camarines Sur. Sitwasyong ipinagpapasalamat ng publiko, naniniwala pa man o hindi na naniwala sa COVID-19.
Sa record ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO nitong Marso 3 at Marso 4, 2022 zero COVID case ang lalawigan. 76 na lamang ang aktibong kaso. 7 ang nadagdag sa mga bagong gumaling kahapon kaya pumalo na sa 16, 200 ang recoveries. 627 ang nasawi sa 16, 923 cumulative cases.
Kaugnay nito, dinarayo na ang mga beach resorts lalo pa’t papalapit na ang summer season. Halimbawa sa Sagñay at Caramoan, gayundin sa Pasacao.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Pasacao Liga ng mga Barangay President Melinda Sambajon, malaking tulong ito upang makabangon ang kaniyang mga kababayang nasa hanay ng transportasyon at pangingisda. Gayundin ang mga resort owners at nagtatrabaho rito. Sa kabila nito, binigyang diin ni Sambajon, na ipinapasunod pa rin ang health protocols.