PRRD, iginiit na mayaman ang kandidato na kaniyang tinutukoy na gumagamit ng cocaine

Napuna ni Pangulong Rordrigo Duterte ang lifestyle ng isang kandidato sa eleksyon, sa gitna ng akusasyon niya rito na gumagamit ng iligal na droga.

Ipinunto ng Pangulo na posibleng tanungin siya ng publiko kung bakit hindi pa nito ipinahuhuli ang nasabing presidential aspirant.

Read More:  Senate court imposes sub judice ban on all VP Sara impeachment articles

Ayon sa Pangulo, dahil ito sa yaman ng naturang kandidato.

Anya, gumagamit ng yate ang mga mayayaman upang doon makagamit ng iligal na droga.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Una nang sinabi ng Pangulo na gumagamit ng cocaine ang presidential apsirant na hindi niya pinangalanan at tinawag rin niya ito bilang “weak leader”.