PRRD, hinimok si Willie Revillame na tumakbo sa pagka-senador sa Eleksyon 2022

Kinumbinsi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang TV host na si Willie Revillame na tumakbo sa pagka-senador sa 2022 elections.

Sinabi ng Pangulo sa isang video na matagal na silang hindi nagkikita ni Revillame, at ngayon ay naalala niya ito dahil gusto niyang mag-senador ito sa susunod na taon.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Ipinunto ng Punong Ehekutibo na nagdadalawang isip pa si Revillame na tumakbo sa pagka-senador sa susunod na taon.

Pero ayon sa Pangulo, mananatiling bukas ang “slot” ni Revillame hanggang sa kahuli-huliang minuto.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Aminado naman ang Pangulo na hanga siya sa karisma ni Revilla sa masa.

Mababatid na nagsisilbi rin si Pangulong Duterte bilang chairman ng ruling party na PDP-Laban.