Rank No 1 Municipal Most Wanted sa bayan ng Mercedes na nahaharap sa kasong murder arestado sa Cavite

CAMARINES NORTE- Napasakamay na ng mga awtoridad ang numero uno sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte makaraang ito ay maresto, Sabado ng gabi sa Gen. Trias City, Cavite.

Kinilala ang akusado na si Crispin Mago y Morcon, 30 anyos, construction worker na residente ng Purok 1, Barangay San Roque, Mercedes.

Ayon sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), naaresto si Mago sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 39 dito sa bayan ng Daet dahil sa kasong murder.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Matapos ang pag aresto ay agad na dinala ang akusado sa Gen. Trias Component City Police Station para idokumento bago ibiyahe pabalik sa lalawigan ng Camarines Norte upang iprisenta sa hukuman.

Nabatid na May 2015 pa ipinalabas ng hukuman ang warrant of arrest laban kay Mago na walang nakarekomendang piyansa.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Nasa kustodiya na ito ngayon ng Mercedes Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Ayon kay CNPPO Provincial Director PCOL Julius Guadamor, patuloy ang pagsasagawa ng Manhunt Charlie Operations ng mga kapulisan sa lalawigan upang mapanagot ang sinumang nagkakasala sa batas at upang tuluyan nang mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima.