Naiulat ng Departent of Foreign Affairs na pumalo na sa 20,093 ang bilang ng mga Pilipino sa labas ng bansa na tinamaan ng COVID-19.
Ito ay matapos maitala ng DFA ang isang bagong kaso.
Kaugnay nito ay wala naman naitala ang DFA na panibagong recovery habang nairehistro naman nito ang 1 bagong insidente ng pagkasawi.

Sa ngayon, ay patuloy na nagpapagamot sa abroad ang nasa 6,817 na Pilipino, habang nasa 12,077 naman ang naka-recover, at 1,199 naman naman ang nasawi.
Samantala, patuloy naman sumasailalim sa gamutan ang 1,499 sa Asia Pacific, 930 na pasyente sa Europa, 4,273 na indibidwal sa Missle East/Africa, at 115 sa Americas.
Samantala, naiulat naman ng Department of Health ng Pilipinas na pumalo na sa mahigit 1.3-million ang bilang ng COVID-19 cases kabilang na ang 22,788 na nasawi, mahigit 1.2-million na gumaling, at 59,864 na aktibong kaso.