Dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na gagawin virtually simula ngayong October 26 hanggang 28.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tulad noong mga nakaraang taon, ay susunod sa ASEAN Summit ang ASEAN-Korea, ASEAN-China, ASEAN-US, ASEAN-Japan, ASEAN-Australia, ASEAN-Plus Three, East Asia Summit, ASEAN-India, at ASEAN-Russia meetings.
Dati nang nakadalo ang Pangulo sa international summits virtually simula nang magkaroon ng outbreak ng pandemya noong 2020.
Mababatid na nagdesisyon ang 10-member regional block na huwag isama si Myanmar junta leader Min Aung Hlaing mula sa virtual summit.
