P1-billion fuel subsidy, aprubado ng economic managers

Inaprubahan ng economic team ng gobyerno ang paglipat ng P1-billion sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Manggagaling ito sa P1-billion unprogrammed appropriations sa ilalim ng “support for infrastructure projects and social programs” sa 2021 national budget.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Layon ng gobyerno na magamit ang pondo bilang cash grants sa mga drivers ng public utility vehicles na umaaray na sa patuloy na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC), mapapakinabangan ng tinatayang nasa 178,000 na PUV drivers sa buong bansa ang ayuda pagdating sa pagbili ng mga produktong petrolyo hanggang sa matapos ang taon.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Inaasahan naman na maipapamahagi ang ayuda sa ilalim ng Pantawid Pasada Program ng LTFRB.