PRRD, bukas na sa mungkahing pagbalik ng face-to-face classes sa mga low risk areas

Maaari na umanong payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pilot face-to-face classes sa mga lugar na low risk sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, papayagan lamang umano ito ng Pangulo kung masisiguro na ang mga lugar ay talagang nasa low risk at walang gaanong kaso ng COVID-19.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Dagdag pa ng Kalihim, nakatakdang mag-usap ang Pangulo at  ilang representante ng Department of Education (DepEd) at ng  Department of Health (DOH) upang pagdiskusyunan ang bagay na ito.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Wala pang nakatakdang araw sa pag-uusap tungkol dito , ngunit sinigurado ni Roque na mangyayari ito sa lalong madaling panahon.