Fully vaccinated Pinoys vs. COVID-19 sa, umabot na sa 15 milyon- Palasyo

Pumalo na sa 15 milyong Pilipino ang fully vaccinated na kontra COVID-19 ang bansa.

Ito ay sa gitna  ng laban ng bansa sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 at ng mabilis na paglaganap ng variant nito na Delta variant.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakapagturok na ng kabuuang 35,838,964 doses ang bansa, dahilan upang umabot na sa 15,044,354 na tao ang nakumpleto na sa kanilang bakuna.

Target ng gobyerno na makapagbakuna ng hanggang 70 milyong tao bago matapos ang taon upang makamit ng bansa ang herd immunity, ngunit tila malaboitong makamit dahil sa paglaganap ng Delta variant.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Samantala, nakatakdang ipatupad sa Metro Manila ang granular lockdown mula September 8 hanggang 31 upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng coronavirus sa bansa.