PRRD at Pentagon chief, nagkasundo na paigtingin ang alyansa ng Pilipinas at US laban sa droga at COVID-19

Nakasundo sina Pangulong Rodrigo Duterte at US Defense Secretary Lloyd Austin na patatagin ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos, partikular na sa pagsugpo sa ilegal na droga at pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Malacañang na winelcome ng Pangulo si Austin ilang oras matapos makarating ang US official sa Manila para sa pagdiriwang ng ika-75 taon ng diplomatic ties ng dalawang bansa at ika-70 taon ng Mutual Defense Treaty.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Dagdag ng Palasyo, napagkasunduan rin ng dalawang opisyal ang pagpapaigting ng komunikasyon at kooperasyon, partikular na sa pandemic response, paglaban sa transnational crimes, kabilang na ang drug war, maritime domain awareness, rule of law, at trade and investments.

Kaugnay nito ay nagpasalamat naman ang Punong Ehekutibo ang COVID-19 assistance ng US sa Pilipinas.

Ito ay matapos mamahagi ng US ng milyon-milyong doses ng bakuna sa COVAX facility, kung saan ay napunta sa Pilipinas ang mahigit 3-milyon.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Samantala, inihayag naman ni Austin na malaki ang respeto nito sa mga Pilipino, at nais ng US na patatagin ang relasyon nito sa Pilipinas bilang “equal sovereign partner.”

Mababatid na nakatakda rin makipagpulong si Austin sa kaniyang Philippine counterpart na si Defense Chief Delfin Lorenzana at kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ngayong huling araw ng kaniyang official visit sa Manila.