Kumpiyansa ang vaccination team na mababakunahan ang mga nagpalistang persons with comorbidities at mga senior citizens sa Olongapo kontra corona virus disease sa susunod na linggo.
Ito ay dahil kinakaya ng mga vaccinator na bakunahan ang halos dalawang libo katao sa loob ng isang araw gamit ang anti-covid19 vaccine na gawa ng johnson& Johnson.
Ayon kay City Health Officer Dr.Doods Bustamante,siguradong matatapos ang pagbabakuna sa mga nakalista gamit ang 7,800 doses ng bakunang padala ng Department of Health para sa mga nakatatanda at mga may karamdaman.
Kung susumahin, aabot sa halos 20thousand ang bilang ng senior citizen sa Olongapo habang ang mga nagpalista at fully vaccinated sa mga ito ay mahigit siyam na libo at 2,500 doses naman ang persons with comorbidities.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Olongapo City Information Center
