Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nagkamali ito nang ipangako niyang kaya niyang tapusin ang problema ng iligal na droga sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.
Ayon kay Duterte, pagka-upo niya sa Malakanyang ay doon niya napagtantong hindi pala kakayanin na linisin ang drugs.
Posible umanong napayabang lamang siya noong panahon ng pangangampanya.

Paliwanag ni Duterte, hindi niya raw inaasahan na mayroon palang mga matataas na opisyal ang mismong sangkot pa sa iligal na droga.
Kabilang na rito ang anim na mga heneral ng PNP.
#