Iminungkahi ng ilang mga mababatas na sabayan ng pagbabakuna ang araw ng halalan sa Mayo a-nueve.
Umapela si Senador Francis Tolentino sa IATF at sa Department of Health na ipagsabay ang vaccination drive sa mga polling precints sapagkat ito raw ay magandang pagkakataon lalo na’t marami ang lalabas ng kanilang mga tahanan para bumoto, o ‘di kaya nama’y magbantay ng halalan.
Maliban pa rito, nanawagan din si Tolentino sa Gobyerno na kaagad nang i-roll out ang 2nd dose ng booster shots sa iba pang mga sektor maliban sa immunocompromised.

Aniya, mas makabubuti kung ‘wag nang hintayin pa na makumpleto ang vaccintion sa mga ito gayong kakaunti lang naman daw ang sumisipot para magpabakuna.
Suhestiyon ng Senador, umpisahan na ang pagtuturok ng 4th dose nang wala nang classification dahil hindi naman daw namimili ang sakit ng klasipikasyon ng isang indibidwal.
Dagdag pa nito, imbis na masayang ang labis-labis na suplay ng bakuna ay bakit hindi na lamang ito gamitin.
#