NTF Advisor, naniniwalang hindi pa panahon para ibaba sa Alert Level 1 ang lahat ng mga lugar sa bansa

Naniniwala si National Task Force advisor Dr. Ted Herbosa na hindi pa ngayon ang tamang panahon para ibaba na sa pinakamababang Alert Level 1 ang restriction sa lahat ng mga lugar sa bansa.

Ito ang naging mungkhai ni Herbosa para sa nalalapit na bagong guidelines na ilalabas ng IATF para sa Mayo 1 – 15.

Giit ni Herbosa, mayroon pa ring mga lugar na nadaragdagan pa rin ang bilang ng mga COVID-19 cases.

Kinakailangan pa rin aniyang mapatas pa ang vaccination rate sa bansa, habang kailangan ding bumaba pa ang occupancy rate sa mga health facilities.

Sa ngayon, naniniwala ito na kinakailangan pa rin ang pagppatupad ng mga localized at granular lockdowns nang sa gayon ay hindi na madagdagan pa ang mga kaso ng nakahahawang virus.
#