Proyektong Bicol Express matatapos sa administrasyon ni Pang. Marcos

Makakaasa pa rin ang mga Sorsoganon na ang Bicol Express project ay matatapos sa administrasyon ng Pang. Ferdinand Marcos Jr., ayon ito sa isang Partylist Representative.

Ang unang antas sa pagbuhay sa Bicol Express line na kilala bilang South Long Haul Project na magsisimula sa Banlic sa lalawigan ng Laguna ay babaybay sa maraming lugar sa lalawigan ng Quezon, Camarines Sur at Albay.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang riles ay magtatapos sa Daraga, Albay at ang extension line naman ay kasalukuyan pang tinitingnan sa lalawigan ng Sorsogon.

Positibo si Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na matatapos ng kasalukuyang administrasyon ang pagbuhay sa modernisasyon ng Phil Nat’l Railways (PNR) Bicol Express.

Ayon pa kay Yamsuan, isinagawa na ang groundbreaking sa resettlement sites ng mga residente ng Laguna at Quezon na maaapektuhan ng konstruksyon ng nasabing rail project.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Matatandaan na inabandona ng Dept of Transportation (DOTr) ang China bilang funding source ng nasabing proyekto.

Ang mga location sites ng tren ay matatagpuan sa San Pablo City sa Laguna at mga bayan ng Tiaong, Candelaria; Sariaya at Pagbilao naman sa lalawigan ng Quezon.