Arestado na ang isa sa dalawang suspek sa pagbaril sa bagong halal na kagawad sa Brgy. 37 Zone 3 sa Pasay City.
Ayon kay PCol. Mario Mayanes, hepe ng Pasay City Police, ang naarestong salarin ay ang nagmaneho ng motorsiklo pero uncooperative o ayaw nitong makipagtulungan sa imbestigasyon.
Nasa 27 taong gulang ang nahuling suspek; habang mas bata naman daw ang isang nakatakas na salarin.
Dagdag pa ni Mayanes, ang tinitingnan nilang anggulo ay ang lending business ng biktima at secondary lamang ang pulitika sa insidente.
Sa ngayon, tinutugis pa aniya ang gunman at hindi pa tukoy ang totoong pagkakakilanlan ng suspek na bumaril sa biktima.