Kinilala bilang Most Outstanding Public Library Administrator ang tagapangasiwa ng Isabela Museum and library na si Provincial Tourism Office Dr. Troy Alexander Miano.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Dr. Miano, ikinagulat umano nito ang nasabing parangal dahil ang naturang Unang Gantimpala 2021 ay hindi lamang province-wide search kundi kabilang din ang mga munisipalidad at siyudad sa bansa.
Dagdag pa niya, isa umano sa malaking kontribusiyon upang masungkit nito ang parangal ay ang pamamahagi ng 46,000 na librong donasyon ng Children’s International sa USA sa mga elementarya at sekondarya sa far-flung areas sa probinsya.
Kaugnay dito, 75 na porsyento umano rito ay hardbound books.
Ilan din umano sa ikinonsidera ng National Library of the Philippines ay ang paglalan ng PGI ng pondo para sa rehabilitasyon ng Isabela Museum and Library, paghahatid ng serbisyo sa komunidad sa kabila ng nararanasang pandemya at pagsunod sa minimum public health standards.
Nagsasagawa rin aniya ang kanilang tanggapan ng clean-up sanitation at disinfection upang mapanatiling COVID free ang silid-aklatan.
Bukod sa tropeo na magsisilbing magandang halimbawa sa mga empleyado ng silid-aklatan ay nakatanggap din si Dr. Miano ng 15,000 pesos.