Kaugnay nito, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang National Capital Region ang nangunguna sa listahan sa 3,627 na mga bagong COVID-19.
Pasok rin sa top 5 na may mataas na infection ang Cavite sa 1,281, Laguna sa 779, Cebu sa 733, at Pampanga sa 626.
Kahapon nang ibahagi rin ng OCTA na bumaba ang reproduction number sa kaso ng COVID-19 sa NCR sa 1.53, bagama’t nananatili umano itong nasa “critical range.”

Sa kabila nito, mas mababa parin naman ito kumpara sa reproduction number ng NCR na 1.78 noong August 18. // MHEL PACIA-TRINIDAD