DOH, inaasahang tataas pa ang mga bagong kaso ng COVID sa mga susunod na linggo

Nagbabala ang Department of Health (DOH) na inaasahang papalo sa bagong peak ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga susunod na linggo, sa gitna ng patuloy na kinahaharap na fresh uptick sa infections.

Kaugnay nito, binalikan ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman na ang increase sa mga kaso sa unang bahagi ng taon ay nagsimula sa huling bahagi ng Pebrero hanggang sa unang bahagi ng Marso, pero nag-peak sa unang linggo ng Abril.

Una nang ipinaliwanag ng DOH na aabutin ng halos dalawa o tatlong linggo bago ilift ang enhanced community quarantine para makita ang epekto ng lockdown.

Matatandaan na nitong Agusto 20 nagpaso ang ECQ sa Metro Manila at isinailalim sa modified enhanced community quarantine, kasama ang Laguna at Bataan hanggang sa katapusan ng buwan.

Samantala, inamin naman ni De Guzman na mahirap hulaan kung kailan talaga muling tataas ang mga kaso, dahil nag-iiba iba ang bilang bawat linggo. // MHEL PACIA-TRINIDAD