1-day Bee production seminar, sinagawa sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay-Albay Veterinary Office ang 1 araw na pagsasanay sa Bee Production na ginanap sa Nelly’s Garden at Bee Farm na matatagpuan sa Bañadero, Daraga Albay, isang certified learning site para sa Agrikultura ng Agricultural Training Institute.

Nagkaroon ng hands on demonstration sa pagsasagawa ng isang araw na Training sa Bee Production na isinagawa ng Albay Veterinary Office sa pakikipagtulungan ni Ms. Jocelyn Caratao.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nais  ipaabot ang taos pusong pasasalamat kay Ms. Jocelyn Caratao na nagbigay ng kanyang oras at expertise bilang resource speaker sa panahon ng lecture-discussion at hands-on demonstration ng iba’t ibang teknolohiya sa bukid tungkol sa bee at sa pagtanggap  sa kanyang sakahan bilang venue ng pagsasanay.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Pasasalamat din sa ATI Bicol para sa mga training kits at sa lahat ng nag-ambag sa tagumpay ng aktibidad na ito.