LEGAZPI CITY – Hanggang sa ngayon ay marami pa ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang National Identification card matapos ang humigit kumulang sa anim na buwan ng paghihingay,
Ayon kay Vladimir Peraja, ang Regional Spokesperson ng Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol, maaaring nagkaroon ng backlog sa philpost sa pagdistribute ng nasabing ID sa mga bahay bahay.
Aniya, hindi na rin kasi sakop ng ahensya ang pamamahagi nito sa ilalim ng National ID System.
Paliwanag ng tanggapan, tatlo ang humahawak rito sa pagpoproseso ng Id system una ang PSA ang namamahala sa registration info graphics at biometrtics, paggawa ng id system ay ang Bangko Sentral ng Pilipinas at ang huli ay ang Philpost ang nakatuon sa distribusyon ng National Id System sa mga kabahayan.
Nilinaw ngayon ng ahensya hindi na sakop ang pagbibigay ng id system sa mga kabahayan Sinabi ng opisyal, mayroon na rin pag uusap at pagpaplano ang PSA at Philpost sa distribusyon ng ID upang mapabilis ang pagbibigay ng mga ito.
Maaari ng tumulong umano ang PSA sa distribusyon para di na magkaroon ng backlog sa Id system kung saan kukunin na lamang nila ito sa kanilang opisina sa oras na dumating ito.