Proposed P5-trillion national budget, naipasa na sa Kongreso

Naipasa na ng Department of Budget and Management (DBM) sa parehong kapulongan ng Kongreso ang proposed P5.024-trillion national budget para sa 2022.

Isinumite ni DBM Undersecretary Janet Abuel kay Senate President Vicente Sotto III ang three-volume National Expenditure Program para sa 2022.

Kailangan ng Kongreso na maaprubahan at maisabatas ang pambansang pondo bago matapos ang taon upang maiwasan ang reenacted budget sa 2022.

Sinabi ni Senator Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, pag-uusapan pa nila ang magiging schedule, ngunit kadalasan naman ay sinisimulan nila ang kanilang budget briefings tuwing Setyembre.

Mababatid na kailangan muna manggaling ang budget bill sa House of Representatives bago ito magalaw ng Senado.

Gayunman, upang makatipid sa oras, ay gumagawa na ang Senado ng sarili nitong hearings sa NEP, kung saan ay ilalabas lamang nila ang sarili nilang bersyon oras na pormal nang maisumite ng mababang kapulongan ang panukala para sa pambansang pondo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *