Taiwan itinuloy ang pagturok sa domestically developed COVID-19 vaccine

Sa kabila ng pagtutol ng ilan dahil sa tila minadaling proseso, itinuloy ng Taiwan ang pagtuturok ng domestically developed COVID-19 vaccine.

Binigyan kasi ng authorization ng Health Ministry ng Taiwan ang emergency use ng Medigen vaccine noong nakaraang buwan kahit hindi pa tapos ang clinical trial nito.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Una na kasing naantala ang vaccination efforts ng Taiwan dahil sa delayed na delivery at pagdadalawang-isip magpabakuna ng marami sa kanilang mamamayan.

Nanguna naman si President Tsai lng-wen sa mga recipients ng Medigen vaccine.

Sa kabila ng pagsisimula ng pagbabakuna, kailangang ituloy pa rin ng Medigen Vaccine Biologics Corp ang phase 3 ng clinical trials.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Binigyang diin ng kompanya na walang major safety concerns lalo pa at base sa mga pag-aaral, kahalintulad ng AstraZeneca vaccine ang nagagawa nitong antibodies.

Inaasahan namang matatapos ang final round ng trials na ginagawa sa Paraguay sa katapusan ng taon.