Tokyo Paralympics, magbubukas ngayong araw

Opisyal nang magbubukas ang 2020 Tokyo Paralympics ngayong araw (August 24), kung saan ay magkakaroon ang Pilipinas ng anim na kinatawan.

Pangungunahan ng wheelchair racer na si Jerrold Mangliwan ang delegasyon ng Pilipinas matapos siyang mapili bilang flag bearer sa opening ceremony.

Makikipagkompitensya si Mangliwan sa tatlong events kabilang na ang men’s 400m, 100m, at 1500m.

Kaugnay nito, ang seasoned swimmer naman na si Ernie Gawilan, na magbibitbit sa bandila ng Pilipinas sa closing ceremony.

Nakatakdang makipagkompitensya ang nasabing 2016 Paralympian sa men’s 200m individual medley, 400m freestyle, at 100m backstroke.

Sa ngayon ay nasa dalawang bronze medals pa lang ang naiiuwi ng Pilipinas mula sa Paralympics kabilang na ang medalyang nasungkit ni Adeline Dumapong sa para powerlifting sa 2000 Games sa Sydney at Josephine Medina ng para table tennis sa 2016 Rio Games.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *