NBI – kinumpirma ang isa pang ‘Alice Guo’ na umano’y kumuha ng clearance sa kanilang tanggapan

Ibinulgar ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pa umanong nagngangalang ‘Alice Guo’.

Sa pulong balitaan kasama ang Commission on Elections (COMELEC), sinabi ni NBI director Jaime Santiago na ang isa pang ‘Alice Guo’ ay kumuha umano ng NBI clearance noong 2005.

Mula raw ito sa Quezon City, pero nang i-check nila’y wala namang nakatirang ‘Alice Guo’ rito.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Ano mang oras ay inaasahang ilalabas ng NBI ang resulta ng kanilang fingerprint examination.

Isusumite naman nila ang kanilang findings sa Senado para sa kanilang hiwalay na imbestigasyon.

Samantala, sinabi naman ni COMELEC chairman George Garcia na magsasagwa rin sila ng hiwalay na moto propio investigation sa kaso ni suspended Mayor Alice Guo.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Ilan sa mga sisilipin nila ay ang mga kasong may kinalaman sa misdeclaration o pagsisinungaling niya sa kaniyang naihaing certificate of candidacy (COC).

Ie-examine din daw nila ang fingerpritns ni Mayor Guo, at iko-crosscheck o kumpara ito sa fingerprints na hawak naman ng NBI.