Produktong gawa mula sa lalawigan ng Camarines Norte, tampok sa DTI

CAMARINES NORTE – Matagumpay na nailunsad ng DTI-Camarines Norte ang isa sa mga aktibidad nila sa National MSME Week 2023 ang Pasalubong Corner sa HP Superstore, Central Plaza Complex Brgy. Lag-on sa Bayan ng Daet, sa probinsya ng Camarines Norte.

Nakilahok sa nasabing aktibidad ay ang 19 MSME concessionaries.

Ang layunin umano ng aktibidad na ito ay para ma-ishowcase o maipakita sa publiko ang mga produktong gawa mula rito sa probinsya at hikayatin ang publiko na suportahan ang sariling atin sa simpleng pagbibili nila ng mga produktong ito.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nagbigay naman ng mensahe ang Provincial Director ng ahensya na binigyan niya ng diin ang pagsunod sa regulatory compliance at nasabi rin niya na nakatuon ang ahensya sa pagbibigay ng tulong sa mga MSMEs.  

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang naturang aktibidad ay parte ng marketing at pagbibigay ng mga promosyon sa mga lokal na manggagawa ng probinsya ng mga nasabing produkto. Sumasalamin rin umano ang kultura at tradisyon ng Camarines Norte sa mga produktong gawa mula rito.